Kaibigan o Ka-ibigan?
Nagmamahal ka ba ng patago?
Teka. Maling tanong.
May minamahal ka bang kaibigan mo na hindi mo masabi sabi?
Tinatago mo para hindi niya malaman. Bakit? Kasi natatakot ka? Kasi hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa kaniya? Ay, oo nga pala. Alam mo. Kaibigan ka lang, dba?
Hm. Pero nagtataka ka. Nagtatataka ka kung bakit kakaiba siya sayo… o sadyan ganoon lang siya kasi close na kayo?
Simple lang naman yan. Pakiramdaman mo. Wag na wag ka muna aamin hanggang hindi mo kaya panindigan ang mga gagawin mo.
Ganito lang yan.
Natatakot ka dahil:
1. BAKA KAIBIGAN LANG TURING NIYA SAYO
2. BAKA LUMAYO SIYA SAYO
3. BAKA MASIRA PAGKAKAIBIGAN NIYO
Natatakot ka kasi kapag umamin ka, maaring lumayo siya. Natatakot kang mawala yung pagkakaibigan niyo kasi… yun lang naman yung dahilan kung bakit kayo nakakapag-usap, hindi ba?
Pero maraming pwedeng mangyari kapag umamin ka.
E paano kung:
1. MAHAL KA RIN PALA NIYA?
2. MAS LALONG MAPALAPIT SIYA SAYO?
3. MAS HUMIGIT PA SA PAGKAKAIBIGAN ANG MAYROON SA INYO
Sundin nga muna natin ang sabi sa tatlongutos.tumblr.com (PLUG!)
Wag ka aamin…. hanggang hindi mo alam kung ano ang lugar mo sa buhay niya.
Kung pinandigan mo yan ang hindi pag amin, nawa’y mapayapa ang konsensya mo. Ang sa akin lang naman, mahirap ng magsisi.
Magulo ako.
Magulong magulo.
Lalo na sinasabi ko.
E paano pa ang iyong utak?
Sa ngayon, makontento ka muna kung ano ang meron sa inyo.